Sunday, May 1, 2011

"Lahat pwede magsabi ng 'Mahal kita' pero hindi ang 'Mahal din kita'"


Ang swerte niya sayo. Kasi mahal mo din siya. Gagawin ko na tong tumblr. Kasi di ako makapagpost dun, kasi alam kong mababasa mo at ayokong mabasa mo. Baka kasi hindi mo ituloy yung balak mo na umalis kasi ngayon ko pa napiling mag-drama kung kailan nagbabalak tayo umalis. Baka i-tweet mo na naman ako, di mo na naman ako pansinin sa FB o kaya sa text. Kaya mas mabuti na yung hindi mo nalalaman.


Akala ko kasi OK na ko ee. OK na. Tanggap ko na hindi na. Na wala na. Na hindi na ako aasa kahit na anong mangyari. Pero bakit ganon? Isang klik lang. Ni hindi na nga kita iniisip ee. Tapos biglang ganun. Masakit pa rin isaksak sa kokote ko na wala na. Na hindi ko na dapat isipin yun kasi masaya ka na. At ako? Trying so hard to forget what I felt for the past year, knowing na alam kong imposible siya.


Mahal na mahal pa rin kita. Kahit na walang namagitan sa atin na kahit na ano, binigay mo sa akin lahat ng magagandang dahilan para mahalin ka at lahat ng pangit na dahilan na wag kita mahalin, pero ganun pa rin ee. Mahal pa rin kita. Mahal na mahal T.T


Kahit na hindi ko na kaya. Kahit pagod nako tumingin mula sa malayo. Ganun pa rin.


AKALA KO OK NA AKO!