Since 2012 is fast approaching, parang patok na jeep pa-Cubao. Before we formally step in to another year, let me take you first on how my 2011 paved its way to teach me how to live, laugh and love.
This is the 12 one-liners of my 2011. :)
1. FORGIVENESS is the key to HAPPINESS.
- Hindi ko sinasabi na hindi ako marunong magpatawad. Hindi ganun yun. It's just this year made think of new beginnings. I've learned that forgiving yourself is the first step in moving on and forgetting that you have done in the past.
Parang sa love lang yan eh. Paano ka magmamahal kung hindi mo magawang mahalin yung sarili mo. Ganun din sa pagpapatawad, matututunan mo lang na magpatawad kung alam mo na kung paano patawarin ang sarili mo.
2. MOVING ON.
- Last year, I focused on one being only. Why? Very simple. I loved that person so much and I've forgotten to give myself chance to improve. All I think was that person's sake and comfort. Nakalimutan kong pahalagahan yung iba, lalo na yung sarili ko. I made myself believe that nabuhay lang ako para ipagtanggol at ipaglaban siya laban sa masasamang mata. I WAS WRONG. THAT was wrong.
So when I diverted my attention to work, studies, family and friends, I took the liberty of starting all over again. That time, sabi ko, nabuhay ako, para sa sarili ko at para sa mga mahal ko sa buhay. Nagpakalayu-layo. Nag-aral. Tinrabaho. Tinulungan ko na lang ang sarili kong umahon. Effective yun men! SOBRA. Pero sabi nila, kailangan kong gawin ang formality ng MOVING ON. That is, letting the person know that I need to move on and get myself back. Nagawa ko yun...
... After one year and a half.
3. ACCEPTANCE
- May mga bagay talaga sa buhay ng tao na kahit pagtuunan mo ng pansin, hinding-hindi talaga mapapasayo. Pwera sa number 2, eto yung isa sa mga pinaka-mahirap kong tinanggap ngayong 2011. Sa una, naisip ko, SAYANG. Pero eventually, pag nakita mong okay na lahat after ng ginawa mong move, okay ka na din eh. Wala yung grudge na pinanghahawakan mo. Kasi masaya ka na eh, so what seems to be the problem pa?
Natanggap ko na may ibang plano si God para sa akin. Hindi yun. May gagawin siyang DA BEST sa akin at isa lang ang kundisyon Niya, maghintay ako.
4. Friendship isn't measured by the years you've been together. It's the sincerity.
- This year, I've proven na sa isang grupong nagkakasundo, hindi batayan ang tagal. Nasama ako sa isang grupo na akala ko noon may initiation. (Lakas maka-frat diba?) Pero itong grupong ito, yung hindi ko aakalain na mamahalin at iingatan ko. Di naman nawawala yung may nag-aaway at nagka-clash pero at the end of the day, mararamdaman mo na nandiyan lang sila. Kahit na nagbabangayan dahil sa responsibilidad na hawak namin, handa kang damayan at samahan. Kahit na tinatawanan ka nila ng malakas sa lahat ng kalokohan na ginawa mo. Kahit na may bad habits ka, tatawanan ka lang nila.
Para sa akin, hindi sa pagkukumpara, ito yung barkadahang pangarap kong mabuo. At ngayong taon sila dumating. THANK YOU LORD! :">
5. CHANCES
- Everybody deserves a second chance. Minsan depende pa yan sa kung pang-ilang beses ka ng binigyan. Third, fourth, fifth, sixth, so on and so forth. Pero hindi naman huli ang lahat para mabago lahat ng pagkakamali. I mean, wala namang huli sa tao. Laging nasa kamay ng taong yun ang huling desisyon sa kung anong gagawin niya. Paano niya itatama at paano niya aayusin.
Minsan naisip ko, nakakalungkot. May mga binigyan ako ng chance para baguhin nila ang mga bagay-bagay pero sinayang lang nila. Syempre, ako, tao lang. Nagmamahal at gusto mo siyang tulungan na itama yung mali. Sana alam nila kung gaano ako nanghihinayang para dun.
6. FOLLOW WHAT'S ON YOUR HEART
- Oo. Isa ako sa mga advocate ng "Unahin Ang Isip Bago Puso Movement". Pero nitong taon ko lang narealize na hindi pala pwedeng puro utak lang. Magkaiba kasi ang target ng puso at utak eh. Yung puso, para sa emotions. Dun, dun sa aspetong yan ka mawawalan ng reasoning. Bigyan kita ng example ah?
ADSFA: Bakit mo siya mahal?
XCBNJ: Hindi ko alam. Basta mahal ko siya.
Kitams? Wala ka na ngang reasoning, wala ka pang train of thought.
Ngayong taon, may mga gusto akong gawin. May mga gusto kong ma-achieve. Kumbaga, DESIRE. Pero hindi ko nagawa. Hindi ko sinunod yung GUSTO ko kasi naglaban sila ng DAPAT kong gawin. Eh dahil advocate ako ng samahan na yan, hinayaan ko yung DAPAT kesa sa GUSTO ko.
Kaya tingnan mo ko ngayon... Anong nakita mo? O kung ano mang nakita mo, tumahimik ka na lang.
Isa lang naman ang landing ng gusto kong sabihin, BALANCE. Timbang timbang din kapatid! Makakatulong yun. Wag kang gumaya sa akin na inuna ang dapat sa gusto. Hindi ka magiging masaya dun.
7. LAHAT NG BAGAY, MALIIT O MALAKI, DISASTROUS O WALA LANG, NATATAPOS.
- "Everything ends okay. If it's not okay. Then, it's not yet the end." Ikekembot na lang yan, ipapalit ko na yang kasabihan na yan sa Facebook profile ko. Sabi nga ng isang malapit na kaibigan, lahat ng bagay, natatapos. Depende sa tao, panahon at plano.
Yeah, you can choose where to put a period to emphasize the end, but don't forget to have faith that people involved will be out of the situation. Whether wounded or not, happy or sad, o kung anu pa man.
Nothing stays forever and that includes PROBLEMS.
8. NO IS A WORD YOU NEED TO LEARN TO USE WITHOUT FEELING GUILTY.
- Actually, nakuha ko lang ito sa talk ng mentor ko. Tama siya. Alam niyang isa ako sa mga anak niyang hindi marunong tumanggi. Nawawala ang wittiness pag nasa higher position ang kausap at may posibilidad na daanin sa iyak ang lahat. Hindi ako marunong tumanggi. Isa yun sa mga sakit ko. Sa utos ng professor, kay Mama at Papa, sa kaibigan, kaklase o kahit sa hindi ko kilala. Minsan nga, ako pa yung nahihiyang tumanggi. Hindi ko alam kung bakit. Siguro feel ko lang minsan na magpaka-anghel sa lupa at gawin ang lahat ng kaya kong gawin.
This year, masasabi kong natutunan kong isipin ang lahat ng posibilidad. Hindi dahil naisip ko siya bigla, kundi dahil NAKAKADALA. Alam mo na yung ibig kong sabihin. Nasasagad din ang kindness meter ko, lalo na sa mga abuso at tine-take lang ako for granted.
Note: Kung kilala mo ito, wag mo na lang isipin. May malaki pa yang kasalanan sa akin. Hindi pa siya bayad, mapa-pera man o KASALANAN.
Another note: Isang araw sa 2012, gagawin kong impyerno ang buhay mo. #SRSLY *evil laugh*
So ayun nga, 2011 is the year of waking up to reality na lahat ng pabor ay may limitasyon at ang pagiging mabait ko eh parang race, may finish line.
Ang utos ng professor ay isang way ng pagte-train sayo.
Ang pabor ng kaibigan ay either, wala na siyang choice at lalapit na siya sayo o ikaw ang una niyang lalapitan tapos after nun, siya pa ang galit. (Ganun din sa kaklase)
Ang utang, kahit gaano katagal, ay utang pa rin at responsibilidad ng tao na bayaran.
9. If people walk away, let them do their thing.
Kung may mga dumating at nadadagdag na tao sa buhay, syempre, may nababawas din.
"Ang buhay ay parang bus. May sasakay, pero may bababa din."
Ako bilang driver ng bus ng buhay ko, may nakakakwentuhan ako, nakakatabi, nakakasalamuha at nakikilala. Pero darating at darating talaga yung panahon na bababa at bababa sila sa lugar na dapat eh sa kanila. Maaaring nahanap na nila yung tamang daan para sa kanila, yung tamang ruta. Pero walang nakakaalam, kung babalik pa ako sa pinagbabaan nila, hindi ko alam kung sasakay sila ulit o baka may hinihintay na silang ibang bus. Nauna lang ako kasi patuk-patukan ako. #OKLastKoNaYun
Sana habang naglalakbay sila, maalala nila na may isang "SAM" na nakasama sa biyahe nila at masaya ako para sa kanila. Walang duda.
10. ALWAYS ACCOUNT FOR VARIABLE CHANGE
- May nagbabago talaga. Kaya nga may kasabihan na "The constant thing in this world is change." Paradox di ba? Oo, paradox talaga yan. Natutunan ko nung 1st year college ako sa isang terror na teacher.
Pwede magbago lahat. Oras, tao, bagay, TRATO ng tao sa iyo, GRADES, kaibigan, ka-ibigan, CRUSH, lahat. Walang exemption sa sinasabi nilang pagbabago. Nakakalungkot lang isipin, may iilang tao na hirap tanggapin ang pagbabago. (Dati, isa ako dun.) Pero syempre, wala naman na tayong magagawa. Hindi naman tumigil ang mundo nung may nagbago. Tanggapin na lang natin. Yun naman ang bottom line eh.
Pero isa lang ang gusto kong malaman, sa mga nagbago ang trato sa akin, BAKIT? Pasensya ah? Medyo magulo kasi ang 2011 ko. Baka may nagawa ako sayong hindi ko namalayan. Sorry talaga. Sabihin mo na lang sa akin para di ko na ulitin.
Sa mga nagbago ang trato ko, kung tingin mong kasama ka dito, approach mo na lang ako. Ipapaliwanag ko.
11. ANG TIWALA AY PARANG SWELDO, INE-EARN.
- Hindi yun nabibili sa palengke o bina-bargain sa tiangge. Pinaghihirapan yun. Hindi yun pwedeng ibigay ng basta basta. Kasi nga pinaghihirapan.
Sa part ng blog na ito, dito ko gustong humingi ng tawad. Hindi ko na kayo papangalanan, pero kilala mo naman ang sarili mo, dun sigurado ako.
Uy! Sorry ah? You might not accept my reasoning na hindi ko sinasadya, kaya nga ngayon humihingi ako ng sorry. Sa mga nagawa ko, sa mga kalokohan at katarantaduhan ko na pwedeng nagpagalit, nagpainis at nagpaiyak sa'yo. Or even worst, ikinasira ng tiwala at pananalig mo sa akin. Pero gusto ko lang malaman mo na pinagsisisihan ko na lahat. Willing akong gawin kahit na ano para makabawi. Willing na willing ako. Kasi ngayon, papatunayan ko na pwede akong pagkatiwalaan ulit. Na pwede mo ng ipagkatiwala ang buong buhay mo sa akin at gagawin ko na yung sobra sa lahat para alagaan at ingatan yun. Kung gusto mo, ilalagay ko pa sa safe ng pamilya namin.
Tao lang ako. Maloko, sira ulo, nakakagawa ng mga bagay na pwedeng Walt Disney o Warner Brothers lang ang tumatanggap, pero gagawin ko lahat para this time, Pinoy Big Brother na ang mag-offer.
12. ANG ORAS PARANG KAHIHIYAN. HINDI NA NABABAWI.
- Isa ang 2011 sa mga pinaka-busy na taon ng buhay ko. Seriously. Tanong mo sa kanila. January pa lang, unang-unang pasko ng taon, trabaho agad ang salubong. Kung ano yun, nakalimutan ko na.
Pero totoo, nahiya sa akin ang telepono ng Meralco. Mas busy pa ako dun. Pero syempre kahit ganun, may natutunan naman ako. Kaya nga, ito yung pang-huli diba?
Sobrang laki ng hinayang ko ngayong taon. Bakit kamo? Kasi kahit konting oras man lang, wala akong nailaan para sa dahilan kung bakit ko ito ginagawa, sa pamilya ko. Lalo na sa nanay kong matampuhin pa sa buhok. Nanghihinayang ako sa lahat ng nasayang na oras. Ultimo, 19th birthday ko, hindi sila ang kasama ko, kundi ilaw, laptop, script at ang mga artista ko. Busy din ako ayusin ang buhay ko nun. Buhay ko na nung mga panahon na yun eh, nagpakawala din ng isang anghel at inosenteng buhay.
Nawalan ako ng oras sa mga mas importanteng bagay sa buhay ko. Kaya nga ngayong taon, pipilitin kong magkaroon ng oras para sa kanila.
Isang beses lang silang mabubuhay, sulit sulit din.
------------------------------------------------------
Sa haba neto, para ka nang nagbasa ng isang chapter ng Harry Potter. Pero malapit naman ng matapos eh, dagdagan na natin. Bagong tao naman eh. Laabyu! :P
2011 isn't my year. Pero sa dami ng nalagay ko dito, baka pwede na din. I need to learn THESE and maybe use to build a better life next year. Madami mang mangyari, ang importante is may natutunan ako. Yun naman lagi eh. Kumbaga sa analyzation ng kahit na anong literary piece, lagi talagang may moral. Pag wala yun, ibig sabihin nun, di mo naintindihan yung binasa mo.
Hindi ko man nabasa ng maayos ang buhay ko nitong 2011, pinaka-fulfilling na yung madami kang natutunan, kahit simpleng pagbasa lang ng tama.
Sa mga darating pang tao sa buhay ko, WELCOME in advance! :)
Sa mga umalis, GOOD LUCK.
At syempre sa mga kasama ko pa, SALAMAT!
Happy New Year 2012!! =^__________^=
*Now Playing: Auld Lang Syne*