Sunday, October 2, 2011
Kanina, nakasakay ako sa jeep kasama ko yung isa sa mga kabarkada kong lalaking antukin. Ako, tulala siya tulog. Ako na tulala, siya ewan ko. Sana umuwi na lang akong mag-isa para naman kahit pano nakaalis pa ko, pero sige na nga, uuwi nako. :)
There's one line from one of my favorite songs by John Mayer.
"THERE'S NO SUCH THING AS A REAL WORLD".
Naisip ko, meron din kayang
"THERE'S NO SUCH PEOPLE AS REAL PEOPLE"?
I don't know. Maybe they were just hiding from me when I badly need them. Too sad, di ako praktisado sa hide&seek kaya wala lang. Talo ako lagi sa hanapan.
Habang binabagtas ko ang V. Mapa, one thing I have in mind is that, why are people so obsessed when judging the other? Or others? (para sa mga masyadong grammar conscious) Do they know when to stop? Whom to judge? Where to start? How to get back those spoken words? I guess, they were not able to know the answers kasi they are too busy with one single thing, and obviously, that's JUDGING.
I have been judged. I have been back stabbed. Since I started my school career, hypocrites and plastic-made people were all over me. I have never been bullied for my whole entire life, lumalaban kasi ako. Pero I have been in an all-in-one hell chair, which they call THE HOT SEAT. I've been on that freaking chair several times before, but believe me, the recent open forum that I had is the most excruciating scenario of my 18 years of existence. Sana na-bully na lang ako. Sana pinatid na lang ako ng mga kaklase ko. Sana pinalibutan nila ng tinik yung upuan ko. Sana nilagyan na lang nila ng patibong lahat ng dadaanan ko. Kasi that feeling of sitting in that fcuking chair, is like burning yourself in a pot of boiling water na kahit na anong gawin ko, di ka makakaalis.
HEY! ARE YOU STUPID OR WHAT?
May takip yung pot ng water kaya di ka makakalabas.
I know, it has been a month and a half, but for me, the feeling of emptiness and sorrow are still there. IT'S STILL HERE. Di naman sa masama ang loob ko. Actually, thankful pa ko kasi I have learned two great things from that scene.
One, I learned that you should not trust others with your secrets; and
Two, I learned how to do things on my own.
Dati kasi, I am a type of person na takot gawin ang bagay ng mag-isa. Medyo tanga pa kasi ako nun (well, hanggang ngayon naman). Pero iba ngayon. Si Sam na hindi makalabas ng classroom ng walang kasama, nakakakain na ng mag-isa sa fast food chain, naghihintay na ng jeep sa isang malayong lugar, nakakabiyahe na ng mag-isa, nakakapunta ng mall, nanunuod ng sine, kumakanta, naglalaro sa Timezone at Worlds of Fun ng walang kasama. Masaya pala kasama ang sarili minsan.
After series of being alone, I loved it. Natuwa ako sa sarili ko kasi I get to know more about myself na hindi ko nagawa before because of making my world revolve around with people who sets their own standards.
Di man ako nagsasasali sa fraternity or sorority, di man ako nag-ddrugs, masaya ako mag-isa. Wala kang iintindihin na ibang tao. Iwan ang mundo sa likod mo at hayaan silang tingnan ka mula ulo hanggang paa, na wala kang pakielam. Umupo sa kahabaan ng Manila Bay at abangan ang paglubog na araw. Libutin ang buong SM Mall of Asia ng walang kapaguran.
Parang since then, na-apply ko sa sarili ko yung
LIVE. LOVE. LAUGH.
Sometimes, it is better to curse people in your mind than to let it all out. Mas OK ng nagbblog ka kesa nanunumpa ka.
Mas OK ng manahimik ka kesa nagsasalita ka.
Since then, di na ako nag-oopen up. Nahirapan ako, nag-suffer ang puso ko. Nagbalak ako lumipat ng section dahil sa trauma na inabot ko, pero walang nangyari. Feeling ko, nawalan ako ng kaibigan sa sobrang kagustuhan ko na protektahan sila sa evil monsters. At the end, ako pa yung naging evil monster sa paningin nila.
Nawalan ng tiwala sa sarili. Nawalan ng tiwala sa ibang tao, kaibigan at kahit sa kung sino pa. Sarili ko na lang ang gusto kong pagkatiwalaan sa mga gusto kong sabihin sa lahat.
Di ko alam kung bakit ko ito sinasabi. Siguro kasi, may nakumpirma ako na di ko nagustuhan, may nangyayari na hindi ko na lang babanggitin kahit kanino. May something na dapat nasa ilalim na lang ng unan ko para walang makaalam.
Ewan ko. Ayoko ng magsalita. Nakakasawang umupo sa hot seat, di ko alam
Magulo po ang blog entry na ito, but just like annoy other people na walang makausap, walang permanenteng shock absorber, mas mabuti pang sa ganitong paraan na lang. Nababasa man ng mga mata niyo, alam kong naiintindihan ng puso at isipan niyo ang gusto kong iparating. Di ko man maisigaw, at least, nalaman mo na mas pipiliin ko na lang ng mag-isa kesa sumama at makisama sa mga taong di alam ang depinisyon ng "PLAIN JUDGING" :)
"THERE'S NO SUCH PEOPLE AS REAL PEOPLE"
Yan ang paniniwala ko sa ngayon. Di ko ito inimbento, yun yung laman ng puso at isip ko. :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment