Sunday, April 21, 2013

Dear Ex-Bestfriend

Huy! Ay mali, wala na pala ako sa posisyon na magsabi ng" huy" sayo. Pero sana hayaan mo akong kamustahin ka. Kamusta ka na? Mukha namang masaya ka sa buhay mo ngayon. Nakikita ko sa Instagram mo eh. Kahit di natin finafollow yung isa't isa, nakikita ko naman yung mga post mo kasi naka-public ka. Ilang beses kong sinubukan na i-follow ka, pero wala akong lakas ng loob na makita yung wala kang imik sa pag-follow ko. Isang taon na pala no? Simula yung huling chance na nagkausap tayo. Kung hindi ako nagkakamali, hindi naging maganda yung encounter natin noon.

Nagkasumbatan, nagkalabasan ng sama ng loob, may chance pa nga na may hindi sumagot sa tanong nino eh. Di ko lang talaga matandaan kung sino tayo sa dalawang yun. Ang worse nun. Napakaworse. Hindi ko akalain na matatapos tayo sa ganung paraan.

Sobrang kabaligtaran yun nung huling pagkikita natin sa Quezon City Circle. Sa tapat ng fountain. Kung saan mo tinapon ang singsing niyo ng ex-boyfriend mong pinakapaborito ko sa lahat. Nilibre mo pa nga ako sa McDonald's sa Litex eh. Bilang pakunswelo na lang sa ginawa kong paglipad from Ortigas to Elliptical Road. Kasi alam mo namang pagod ako galing sa trabaho, mainit at maalinsangan at alam mong ayaw ko ng ganung pakiramdam.

Aaminin ko, nanghinayang ako sa 8 years ng buhay natin na nag-invest tayo sa friendship. Akalain mo 11 years old tayo nagkakilala, natapos tayo ng parehas tayong tumungtong ng 20. Naalala ko pa, peg natin ang "Me and You Against The World". Nalagpasan na natin yung crucial na time ng kahit na anong relasyon. Nagkagalit na tayo sa dahil sa lalaki, dahil sa pagsisikreto, tampuhan dahil sa maliliit na bagay. Nagsama na din tayo sa iisang bahay, kumain sa iisang plato at kumain ng iisang pagkain.

Lahat na ata nagawa na natin ng magkasama. Kahit na alam natin na hindi tayo nagkakasundo sa madaming bagay. After one year, saka ko lang naisip kung ano ba talagang nangyari sa atin at umabot tayo sa masaklap na goodbye.

Siguro, hindi na naman tayo nagkaintindihan. Hindi tayo nagkatagpo sa gitna ng kahit na anong argumento. Laging ako yung nagbibigay. Ako yung laging bumababa para matapos lang. Para kasi sa akin, mas importante ka kesa sa kung ano pang klaseng culprit na mas sikat sa tawag na PRIDE. Pero kasi ako, alam kong may mali ako at katampo tampo naman kasi talaga yung ginawa mo sa akin. Umabot lang ako sa pisi at dulo ng lahat.

Umalis ka sa bahay ng walang paalam sa akin. Isang linggo ka ng wala nung napansin kong hindi ka na umuuwi. Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin yun? Wala man lang paalam, nawala ka bigla. Siguro, katampo tampo naman kasi talaga yung moment na lahat ng imbitasyon ko, wala kang tinanggap kahit isa pero ako ni isang school activity mo, wala akong pinalampas. Nagcu-cut pa nga ako ng klase para lang makaattend. Hindi ako nanunumbat ah? Sinasabi ko lang yung mga posibleng dahilan kung bakit ako nakabuo ng hindi magandang impresyon sayo.

Alam mo namang hindi ko ugali na manumbat pero siguro di na kinaya ng puso ko ang lahat. Na sa lahat ng sinabi mo, ako pa ang lumabas na walang kwenta, na walang pakikisama. Sana bago mo binatawan lahat ng salitang yun, pinakinggan mo muna ako. Sana pinag-explain mo muna ako at nakinig ka kung ano bang puno't dulo ng sama ng loob ko. Sana hinayaan mo muna akong magsalita. Tutal, sa lahat naman ng oras, hinahayaan kitang magsalita at magdesisyon para sa ating dalawa.

Nung nalaman kong sa Ortigas ka lang din nagttrabaho. Di ko alam kung anong dapat kong maramdaman, dapat ba akong matuwa, ma-excite o kabahan dahil kung ang mundo nga eh maliit, ang Ortigas pa kaya. Siguro isang araw, magkakasalubong tayo ulit. Hindi ko alam kung magha-hi ba ako o dadaan lang. Sabi mo nga, back to strangers. Na-unfriend na din naman kita sa Facebook dahil ayokong makita ang lahat ng posts mo.

Yun lang naman. Naisip ko lang na sulatan ka kahit alam kong hindi mo mababasa kasi wala kang oras or more like, hindi mo ito alam. Sana maging masaya ka sa buhay mo. Hindi na ako umaasang magiging magkaibigan ulit tayo. Isang taon na din naman ang nakakaraan. Naka-move on naman na ako at hindi ko na masyadong iniisip. Wala na din yung sakit at ang sama ng loob.

Ingat ka na lang lagi.

Nangungumusta lang,
Sam.

Thursday, April 18, 2013

Time.

Just like any other fairytale in Hans Christian Andersen's books and stories told by The Grimm Brothers, I just realized that not all tales end with the famous "Happily Ever After" quote.

Oo, at the age of 21 lang ako natigil sa paniniwala na may fairytale sa totoong buhay. Na yung mga bagay na gusto mong mapasayo eh nakukuha mo. Alam kong mali, pero ngayon ko lang narealize na hindi pala tama na pairalin ko ang gusto ko kesa sa kung alam kong tama.

Hindi ako naiwanan. In all fairness, alam kong wala namang naiwan. Pero mahirap pa rin ang posisyon na hindi niyo alam parehas kung nasaang banda na kayo ng storya niyo.

Nagsimula lahat ng mabilis. Parang hindi pinag-isipan, hindi dumaan sa tamang proseso. Pinangunahan ang tamang panahon na pinaniwala ang mga sarili nila sa maling oras. Hindi naniwala sa perfect timing kasi naniwalang ang gusto nilang oras eh yun yung perfect.

At natapos din ng hindi maganda. Ngayon, naniniwala nakong may sariling timeline si God. Na hindi sapat na ticket yung gusto niyo yung isa't-isa at hindi iniisip kung ano ba yung dapat.

Siguro, kaya nangyari ito kasi ito yung katok ni God na may mali. Na kailangang pakawalan. Na may ibang tao para sa amin. Maliit na parte lang ito ng buhay namin na pwedeng maging aral o isang regret.

Mahirap. Makaka-move on din ako. Makakpag-let go din ako. Mangyayari din yung gusto ko. Makukuha ko rin yung matagal ko ng gusto.

Mangyayari ang lahat satamang oras. According sa timeline Niya.

At yun ang PERFECT TIMING.