Sunday, May 6, 2012

Before calendars turns to the 11th and clocks strikes to 8 AM.

Uy ah? Hindi ito isang madramang blog entry. Ayoko kasi ng ganun eh. Pero sige, kung hindi mo mapipigilan, oh eto tissue, pampunas mo ng pawis. :D


Kanina, nasa PUP ako. I am with a friend named Ria. Sabi ko sa kanya, nakakainis. Kasi kung kailan paalis na kami, saka pa inayos yung mala-obstacle course na catwalk sa main building. Dagdag mo pa yung ang ganda ng arrangement ng bricks. Lakas lang maka-extension ng IUD lane AKA Teresa.


Four years din ako sa PUP. Apat na masasayang taon. It may irritate, piss and squeeze out the kid in me, but I will still be very thankful and be glad that I wasted four years of my life in PUP.


Noong bata ako, akala ko ang pag-aaral ay isang madaling proseso lang. Makikinig ka kay teacher, sasagot ng worksheet at makikipagdaldalan sa katabi. Ganun kasimple. Pero habang tumatagal, hindi lang pala simpleng pakikipag-chikahan ang magagawa mo, pwede ka din palang matuto ng iilang bagay sa buhay. Pwedeng isa itong amazing fact galing sa teacher mo o turo ng kaklase mo.


Mula sa simpleng ABC hanggang sa IPA. Ang primary colors pala na RED, BLUE and YELLOW ay may HUE, BRIGHTNESS at REDNESS palang tinatawag. Ang resulta ng MDAS eh pwede pa lang maging MEAN, MEDIAN at MODE ng dalawang numero. Ang simpleng pagbabasa ng signs sa kalye eh pwedeng ma-improve sa pag-aanalyze ng sonnets ni Anne Sexton at William Shakespeare.

Habang tumatagal, humihirap. Habang tumatagal, dumadami. Pero aminin mo din, habang tumatagal, lalong sumasaya.



Hindi ka tunay na estudyante kung di ka natuto ng iilang bagay mula sa kaklase mo. Hindi kita matatawag na TRUE LEARNER dun, sorry.


Ngayong college, madami akong natutunan. At ito ang iilan sa kanila:

IPA, Louise Gluck, William Shakespeare, Languages, Linguistics, Phonemics, Morphology, Sonnets 87 and 116, Brocka's Aphasia, Parts of the Brain, LINGUA FRANCA, Folk Dance steps, maging Technical Girl ng 3 years, MAGMAHAL NG TUNAY AT KAKAIBA, Mock Orange, American English, open-mindedness, listening skills, reading comprehension, kumick-back, tumakas ng gala, maging isang tunay na kaibigan, magpatawad, READING COMPREHENSION, pumunta ng Pasong Tirad, Makati, kumain na 20 lang ang pera, mag-vandal, umakyat ng Antipolo Church pag may 5, umiyak sa corridor, mag-alaga ng lasing, mag-LRT,  maging bayani, umuwi ng TO... TOMORROW,  at mga marami pang iba.



Wag kang echusera! Ayoko ng bumalik ng college. Baka cleared nako sa lahat at kukuha na ng passes sa Monday?


Ang sinasabi ko lang is worth it ang lahat. Sa lahat ng pinagdaanan, iniyak, ipinila, isinigaw, isinakripisyo at lahat lahat. Pero hindi ako magiging masaya kung wala akong kasama mag-saya, umiyak at mainis sa mga bagay bagay kaya ittake ko na ang opportunity na ito para magpasalamat sa kanilang lahat.


Una, sa mala-eroplanong PUP, na hinayaan na makapasa ang isang SABRINA SENA.


Sa CLL- Extension office, ang saksing buhay sa pagtulog at pagpapahinga ko pag walang kasama.


Sa CLL-AVR na naging bahay ko ng 1 month dahil sa rehearsals ng Talen-todo sa 2ente 5ingko at sa pagiging unang lugar kung saan nabuo ang "LOVE STORY" namin.


Sa W411. Sa pagiging una kong classroom.


Sa W409. Kahit na mainit eh love ko rin. Dun din kasi ako umiiyak eh.


Sa W413. Minsan lang tayong nagsama pero mahal din kita.


Sa W415. Home of ABE -3 2008-2012. Yun ang saksi ng lahat ng kabiguan, tagumpay, kalokohan, ka-seryosohan, tawanan, katarantaduhan, irita at naging biktima din ng vandal ko. Mamimiss ko ang station ko dun, ang tabi ng bintana.


Sa BUONG WEST WING. Sorry kung minsan tumatakbo ako sayo ah? Late na kasi ako sa klase. Hehehe.


Sa University Canteen na naging takbuhan ko pag nagugutom ako pero tinatamad akong bumaba ng ground floor.


Sa 4th floor South wing bridge, ang naging party place to be ko simula 1st year hanggang 4th year (GEMs Christmas Party 2008-2010, T-25 Cast Party)


Sa Charlie del Rosario, ang venue ng Chinese Exhibit at rehearsals ng Shakespeare.


Sa Quezon City Circle, ang takbuhan ng mga batang gustong mag-picnic, gusto mo manuod ng dancing fountain, mga batang broken hearted at minsan rehearsals din :)


Sa Marikina City, sa pagiging rehearsal ground din. Lalo na sa Lambak. Sana hindi pa huli ang pagkikita natin nung nag-edit kami ng movie.


Sa Antipolo Church, salamat ah? HAHA. Alam mo na yun.


Sa SM CENTERPOINT. Sa pagiging tambayan ng barkada, laruan din ng lahat kasi may Worlds of Fun at Quantum sa taas at Tom's World sa food court. Salamat din kasi nauso ang tig-25 na sine. Thank you din pala kasi hindi pumapalya ang aircon mo, malamig pa rin siya.


Sa Claro M. Recto Hall, sa Filipino folkdance presentation ng ABE 2-3, Shakespeare Drama Fest at unang casting para sa concert kung saan nawindang ako pero keri lang.


Sa PUP Oval na binilad ako sa ilalim ng init ng araw sa loob ng isang school year.


Sa PUP-ICTC na kahit may inaway kami ni Camille nung enrollment, eh inaccommodate pa rin kami. Sana hindi niyo makalimutan ang nanay ko. :D

Sa Student's Lounge, sa tabi ng Sampaguita Canteen. Dun ko kasi laging nakikita si crush dati. Nyahahaha!


Sa West Wing EVEN (Advertising). Kung saan dun ako laging kumukuha ng vacant chair na hila hila ko hanggang sa West Wing Odd. :D


Sa Lagoon, ang unang tambayan ko. Na kahit hinigad ang kalahati ng mukha ko nung 1st year, 1st semester, eh naging mabait pa rin sa akin.


Sa W604 at sa mga professor ko na nagsstay dun. Sorry po kung nagwala at umiyak ako minsan. Hehehe. Mas madami naman po yung itinawa at inginiti ko dun.


-----------------------------------------------------------------


To Ma'am Mary Grace Ferrer, na nung mga panahon na nag-eenroll ako eh ayaw niya ata sa kantang Realize ni Colbie Caillat. Siya yung nag-interview sa akin :)


To Dr. Mely Padilla, for making me realize that I chose the right and perfect course for me. Kasi kung hindi, sasabihan ka niya ng SHAME ON YOU.


To Prof. Edelyn Mariano, ang unang professor na nagpakaba at nagpatalon sa puso na doble sa normal na talon nito.


To Dr. Valentino Jasul na nagturo sa akin na ang isang kind of sentence ay hindi EXCLAMATORY, it's EXCLAMATIVE.


To Engr. Cortez ng College of Science, kasi hindi niya nakita ang barkada ko sa Freedom Park nung di kami umattend ng Mathematics in Business nung Valentines' Day nung 2009.


Kay Prof. Jhoanna Gomez, para sa libreng insurance.


Kay Prof. Jeffrey Bartilet na nagmistulang lullaby sa hapon pag 1:30-3PM.


Kay Dr. Estrelita Bagsic na naging susi para for the first time, maging legal ang punta ko ng Star City.


Kay Prof. Dekki Morales, ang pinaka-cool na Sociology professor! Kampay Sir! :)


Kay Sir Adrian Guinto, na napangiti ko sa klase kahit isang beses lang dahil sa misunderstood step ko sa front portion ng classroom.


Kay Dr. Corazon P. San Juan, sa walang sawang pagpirma ng letter of request ko sa tutorial. (Methods of Research and Thesis Writing)


Kay Dr. Zenaida de Leon na pinagdadasal lagi ang buong klase, mula paggising sa umaga hanggang pagtulog sa gabi.


Kay Prof. Nico Tarrayo sa pagtuturo sa amin ng 3 magkakasunod ng semester (Structure of the English Language, Anglo-American Literature and Teaching English as a Second Language) at sa pag-iintroduce sa amin kay Anne Sexton. Nice meeting her through you, Sir  :)


Kay Prof. Ma. Cecilia Angeles, sa hindi mabilang na advice nung ako ay nawawala sa kawalan at sa paghila sa akin pabalik sa mundong ginagalawan ko. Sa pagiging nanay-nanay-an, for being my GEMs adviser, mentor, but never my subject professor.


Kay Prof. Ma. Paula Arevalo-Destacamento, kasi akala ko dati, masungit siya dahil medyo nasungitan niya ako nung first encounter namin, yun naman  pala, ubod ng bait at sarap magluto.


Kay Prof. Pia Merla Hilario-Esperida, para po sa buena-mano kong 3, sa pagiging nanay din, sa pagbibigay ng challenge sa amin ni Camille para makuha ang accreditation certificate ng GEMs at para din sa masayang masayang birthday party ko este Graduation Ball.


Kay Prof. Edelyn Dagnalan. Rock and roll Tiya! Sa pagiging sobrang mabait na teacher at nagbigay sa akin ng pang-finale kong uno para sa Structure of the Filipino Language. Thank you po sa copy ng movie nila Ma'am! ^_^


Kay Prof. soon-to-be Dr. Desserie Maynes, ang aking original na nanay. Ang aking takbuhan kapag may problema at punong taga-payo din sa iba't-ibang oras. Tulad ni Ma'am Cess, hinila din niya ako pabalik sa mundo at wag na wag na daw akong lumabas sa classroom kung kailangan ko ng kausap.


----------------------------------------------------------------------


Ang haba na! May part 2 pa ito :)

















No comments:

Post a Comment